NAUDLOT ang pagaspas ng Adamson Soaring Falcons sa pedestal nang mapuruhan ng Far Eastern University Tamaraws sa makapigil-hiningang 88-85 desisyon nitong Linggo sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

DIKDIKAN ang laban sa kabuun, bago kumurap ang Adamson Falcons sa overtime para makamit ng FEU Tamaraws ang karapatan na unang koponan na nakagapi sa Falcons sa UAAP Season 81. (RIO DELUVIO)

DIKDIKAN ang laban sa kabuun, bago kumurap ang Adamson Falcons sa overtime para makamit ng FEU Tamaraws ang karapatan na unang koponan na nakagapi sa Falcons sa UAAP Season 81. (RIO DELUVIO)

Maagang nakuha ng Tamaraws ang momentum, ngun it nabitiwan ang 17 puntos na bentahe sa fourth quarter dahilan para mahila ng Falcons ang laro sa overtime. Sa extra period, nakabawi ang FEU para maigupo ang Adamson at putulina ng winning streak ng karibal sa anim na laro. Umarya naman ang Tamaraws sa 4-2.

Sa kabila ng mahigpit na depensa, nagawang makaiskor ni Barkley Ebona mula sa assists ni Hubert Cani para sa tatlong puntos na bentahe.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May pagkakataon ang Adamson na maipuwersa ang second overtime, ngunit napigil ni Wendell Comboy ang pagtatangka ni Sean Manganti sa three-point area.

“Yun yung ine-emphasize ni coach Olsen, yung tatlong words - sustain sustain sustain,” pahayag ni FEU assistant Eric Gonzalez, dumalo sa post-match press conference bilang kinatawan ni Racela na humabol sa laro ng Ginebra kontra Meralco sa PBA.

“Si coach Olsen he just kept on encouraging the players even after losing the big lead,” aniya.

Nanguna si Arvin Tolentino sa Tamaraws sa naiskor na 19 puntos at apat na rebounds bago napatalsik sa laro may 3:43 ang nalalabi sa regulation bunsod nang unsportsmanlike foul kay Manganti.

Nag-ambag si Cani na may 14 puntos, habang umiskor si Comboy ng 13 puntos, limang rebounds at tatlong assists.

Nanguna si Jerrick Ahanmisi sa Falcons na may 21 puntos, habang tumipa si Sean Manganti ng 20 punto.

Iskor:

FEU (88) - Tolentino 19, Cani 14, Comboy 13, Ebona 9, Escoto 8, Gonzales 8, Parker 7, Orizu 6, Inigo 2, Tuffin 2, Stockton 0.

ADAMSON (85) - Ahanmisi 21, Manganti 20, Sarr 15, Camacho 10, Lastimosa 8, V. Magbuhos 4, Espeleta 3, Pingoy 2, Zaldivar 2, Bernardo 0, Catapusan 0, Colonia 0, Mojica 0.

Quarters: 16-19, 43-34, 67-52, 80-80, 88-85.