MAGSASAGAWA ng relief missions ang Anakkalusugan sa tatlong liblib na munisipalidad sa lalawigan ng Cagayan para matulungan ang mga nabiktima at nasalanta ng bagyong ‘Ompong’.

Ilalarga ang relief operation sa Sta. Teresita, Sta. Ana at Lasam, pawang direktang nasalanta ni ‘Ompong’ sa kabuuan ng Northern Luzon.

Sa pakikipagtulungan ng mga kaibigan, mamamahagi an grupo ng bikas, delata, at noodles sa mga apektadong pamilya. Magbibigay din ang grupo ng mga gamot.

“We have chosen to undertake this initiative at this phase of the national government’s recovery efforts for the victims of Typhoon Ompong because we felt that it is at this point where they also need assistance,” pahayag ni lawyer Adorlito Ginete.

National

Bagyo sa labas ng PAR, pinangalanan nang ‘Romina’; Signal #1, itinaas sa Kalayaan Islands

“The aid assistance should also ensure the steady stream of support to the affected families as they move to recover from the effects of the typhoon and rebuild their lives,”aniya.

Nasalanta ni ‘Ompong’ ang may 26, 300 pamilya sa Cagayan, isa sa mga lalawigan na nagbaba ng ‘state of calamity’.

Kabuuang P4.6 billion na halaga ng kabahayan, pananim at kabuhayan ang nasira ng bagyo, kabilang ang 24.290 magbubukid.

Nasira rin ng bagyo ang mahigit 76,000 houses.