Isinama na ng Philippine National Police (PNP) sa election hotspots ang 896 na munisipalidad at 7,926 na barangay sa bansa.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde nang dumalo siya sa pulong balitaan sa Camp Crame, kahapon.
Karamihan, aniya, sa mga lugar na nasa watch list ay matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 8, at Region 7.
Nasa election watch list din, ayon kay Albayalde, ang siyam na lungsod sa Metro Manila.
Una nang inihayag ni Albayalde ang pagbubuo ng PNP ng mga Special Operations Task Group (SOTG), na pamumunuan ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO).
Ang mga SOTG ang tututok sa mga insidente ng karahasan kaugnay ng mid-term elections sa Mayo 13, 2019.
-Fer Taboy