NASA 10 outstanding performers sa agriculture at fisheries sectors ang nakatakdang kilalanin sa Regional Gawad Saka awarding ceremonies sa San Fernando City, La Union sa Oktubre 12.
“Of the 16 nominees from Ilocos Norte, at least 10 of them emerged as regional winners in various categories,” pahayag ni Dr. Luz Tabora, Assistant Provincial Agriculturist ng Ilocos Norte.
Kabilang sa mga pararangalan ng Regional Gawad Saka award ay ang mag-amang sina Romeo Ganiron at John Lei, mula sa Batac City.
Napanalunan ng mga Ganiron ng Ben-agan village ang 2018 search for outstanding rice farmer and young farmer, bilang representante ng 4-H Club of the Philippines.
Ang iba pang regional winners mula Ilocos Norte na tatanggap din ng plaques of recognition, certificates, at cash prize ay sina Gilbert Pasion ng Solsona, outstanding large animal raiser; Domingo La Torre ng Pasuquin, outstanding fisherfolk under fish capture category; Bagumbayan Multipurpose Cooperative ng Laoag, outstanding small farmer organization; Mr. and Mrs. Dominador Ignacio ng Barangay Navotas-B, Laoag City, outstanding farm family; outstanding Municipal Agriculture and Fishery Council sa bayan ng San Nicolas; Edita Dacuycuy ng Burgos, outstanding agricultural entrepreneur; Lolita Agluba ng San Nicolas, outstanding rural woman; at Liza Domingo ng Solsona, outstanding extension worker.
Sinabi ni Tabora na ang probinsiya ay “lucky to have the most number of regional awardees this year compared to the provinces of Ilocos Sur, La Union and Pangasinan.”
Noong nakaraang taon, karamihan sa mga pinarangalan para sa kaparehong kumpetisyon ay mula rin sa Ilocos Norte.
Taunang isinasagawa ang search for Gawad Saka, na pinamumunuan ng Department of Agriculture at sa pakikipagtulungan sa local government units at pribadong sektor upang kilalanin ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang grupo na may malaking kontribusyon sa agricultural development ng rehiyon.
PNA