Ihahayag ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Lunes ang ipatutupad nitong bawas-singil sa kuryente ngayong Oktubre.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, bagamat mahina ang palitan ng piso kontra dolyar at lalong nagmamahal ang presyo ng produktong petrolyo, wala pa silang inaasahang dagdag-singil sa kuryente.

Maayos naman, aniya, ang supply ng kuryente sa mga planta.

Sa pagtaya ni Zaldarriaga, posibleng nasa 15 sentimos kada kilowatt hour (kwh) ang kakaltasin ng Meralco sa sisingil nito ngayong buwan.

Metro

Live-in partners sa Maynila, hinikayat na lumahok sa libreng kasalan sa Hunyo

Ayon naman sa Department of Energy (DOE), ang pagbawas ng singil sa transmission at generation charge ng Meralco ay kabilang sa mga dahilan kung bakit magpapatupad ng bawas-singil.

Matatandaang noong Setyembre ay nagpatupad din ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco.

-MARY ANN SANTIAGO