NAIULAT na tumaya sa lotto si Pangulong Duterte sa kabila ng kumalat na balita na siya ay may karamdaman. Ayon kay Presidential Special Assistant Christopher ā€œBongā€ Go, nitong nakaraang linggo, pinakiusapan siya ng Pangulo na tayaan ang 18 kombinasyon na ang halaga ng jackpot ay 849.5 milyong piso. Pero, hindi raw siya niya akong tumaya sa draw na gaganapin sa Oktubre 5,ā€ sabi ni Go. Regular, aniya, na tumataya ang Pangulo kahit noong siya ay alkalde pa ng Davao. Nanalo na raw siya noon.

Maging ang anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte ay inihayag ding tumaya sa 6/58 Ultra Lotto game. Tulad din daw ng kanyang ama, naengganyo siya sa laki ng jackpot na umaabot na sa 885 milyong piso. Maging sina Go at Presidential Spokesperson Harry Roque ay nakitaya na rin. ā€œNang malaman kong ang Pangulo ay tumaya sa lotto, nakiusap di ako sa mga kasama ko, tayaan na rin nila ako,ā€ sabi pa ni Roque.

Hindi dapat ipinaalam ng Pangulo, maging sina Mayor Sara, Presidential Assistant Go at Presidential Spokesperson Roque, na tumataya sila sa lotto. Hindi magandang halimbawa ang ipinakikita nila. Lalo lamang nilang iniengganyo ang mamamayan lalo na ang mga dukha na magsugal. Ayan na ngaā€™t natutukso na silang isugal ang pangkain nila sa araw-araw sa laki ng mapapanalunang premyo, iyong mga pinuno nilang dapat magpayo sa kanila na gamitin nila ang kanilang pinaghirapan para sa kanilang kapakanan, ay sila pa ang nagpapakita kung paano nila ito gagastusin sa maling paraan.

Ang sugal kailanman ay hindi magpapabuti sa buhay ng tao. Nagbibigay lang ito ng huwad na pag-asa. Totoo, may nananalo, pero sa dami ng tumataya at naghahangad manalo, ang pagkakataong ito ay suntok sa buwan. Ang pinakarami na umaasa na darating sa kanila ang pagkakataong ito ay ang mga dukha. Ang kanilang kalagayan ang nagtutulak sa kanila para magbakasakali. Tingnan ninyo ang mga nababalita. Maghapong pumapasada ng tricycle ang isang ama upang kumita at ang kanyang kikitain ay itataya lamang sa lotto. Halos lahat ng mga mahirap ay ganito ang ginagawa bagamat ibaā€™t ibang paraan ang pagkita. At hindi maiaalis ay ang posibilidad na may mga tao nang gumagawa ng hindi maganda para mayroon lang silang maitaya sa lotto. Nagnakaw, pumapatay, o kaya ang pagtutulak ng droga ang posibleng maging paraan nila ng pagkita.

Ang pinakamasama rito ay parang magnet ang lotto na hinihigop ang lahat ng salapi na dapat na kumakalat at napapasakamay ng lahat ng mga aabutin nito. Pero kapag may nanalo, sa isa o iilan lang mapupunta ang naipong napakalaking pera. Isa pa, kung mga mataas na opisyal ng gobyerno ay nagsusugal, kahit legal na ito, ano ang moral authority nila na ipagbawal ang sugal o kaya payuhan ang sambayanan na huwag magsugal at gamitin na lang nila ang kanilang kinikita sa pang-araw-araw nilang pangangailangan?

Higit nilang kailangan ang napapanahon at makabuluhang payong ito lalo na ngayong walang humpay ang pagtaas ng mga pangangailangan at serbisyo. Maliban na lang na kaya inihahayag ng mga opisyal ang kanilang pagtaya sa lotto at sakaling manalo, eh may maging dahilan sila para pagtakpan ang kanilang itinatagong yaman.

-Ric Valmonte