BUENOS AIRES— Sisimulan ni Jann Mari Nayre ang kampanya ng Team Philippines sa paglarga ng table tennis event ng 2018 Youth Olympic Games nitong Linggo sa Table Tennis Arena of the Technopolis dito.

Haharapin ng 18-anyos si Nicolas Ignacio Burgos ng Chile sa Group B ng boys singles preliminary stage bago harapin si Maciej Kolodziejczyk ng Austria.

Si Nayre ang unang Pinoy na nakakuha ng slots sa torneo kung saan makakasagupaniya ang pinakamahuihusay nba 18-under athletes sa buong mundo.

“I’m here to give my best, regardless of whom I’m facing,’’ pahayag ni Nayre.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakuha niya ang slots nang magwagi sa Rarotonga qualifiers sa Cook Islands noong Hunyo matapos mabigo sa nakalipas na Asian Games sa Indonesia at 2017 Southeast Asian Games in Kuala Lumpur, Malaysia.

Pormal na binukasan ang torneo ni Argentina president Mauricio Macri sa masiglang opening ceremony sa Obelisco de Buenos Aires kung saan pumarada ang 4,000 athletes mula sa 206 bansa.

Tumayong flag-bearer si Asian Games double gold medalist golfer Yuka Saso.