SINUPORTAHAN ni Iñigo Pascual ang Cornerstone Music Grand Launch sa Eastwood Central Plaza, hatid ng Wish 107.5. Siya ang iniidolo ng dancer, singer at social media influencer na si Kenneth San Jose, o Ken San Jose.

Ken at Iñigo

Kung pagmamasdang mabuti ay may pagkakahawig ang dalawa, at maaari ngang mapagkamalang magkapatid.

Oo, magkapatid sila, dahil iisa lang ang talent management nila, ang Cornerstone Management ni Erickson Raymundo.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Saksi kami na kuhang-kuha ni Ken ang pagsayaw ni Iñigo, kaya nung tinawag na ang huli ay talagang kitang-kita ang saya ni Ken. Dumayo pa ang supporters nila sa Eastwood para makita silang sabay na mag-perform.

At dahil hindi kami pamilyar kay Ken, pinanood namin ang lahat ng dance videos niya, at talagang napa-wow kami. Dancer naman pala talaga ang binatilyo, at isa siya sa dancers ng kilalang hip-hop dancer/choreographer na si Matt Steffanina mula sa Los Angeles, California, USA.

Singer din si Ken, at marami silang collaboration ni AC Bonifacio, na malimit niyang ka-partner sa dance floor.

Going back to Iñigo, nag-duet sila ni Ken ng hit ng una na Dahil Sa ‘Yo kaya hiyawan to the max ulit ang kani-kanilang supporters.

Si Inigo ang sumulat ng single ni Ken na Loose Control at mapapakinggan na ito sa digital soon.

Samantala, abala rin si Inigo sa promo ng latest single niyang Lumang Tugtugin, na isinulat ni Kiko Salazar, at available na ngayon sa Spotify at iTunes.

Pinanood din namin ang music video ng Lumang Tugtugin at halos pareho rin ito ng tempo ng Dahil Sa ‘Yo.

Kasama ni Iñigo ang girlfriend niyang si Maris Racal sa music video ng Lumang Tugtugin. May dance challenge rin ang kanta kasama naman si Ken.

Inamin ni Iñigo na sinabihan siyang dapat happy song din ang kasunod ng Dahil Sa ‘Yo.

“Nahirapan talaga akong magsulat ng happy songs, dahil sabi nila, it’s same formula like Dahil Sa ‘Yo. Kasi it really works for me. Sabi nila singing and dancing for you is gumana. ‘Yung Lumang Tugtugin nu’ng narinig ko sobrang natuwa ako kasi positive ito, ang ganda nu’ng feel, ang ganda ng vibe,” kuwento ni Iñigo.

Hindi nga raw siya nahirapang i-record ang kanta, at i-rehearse, isayaw at i-shoot ang music video, at pagkatapos ay inilabas na ito sa digital.

“It happened in 12 days. Ang bilis,” sabi ni Iñigo. Aniya, ayaw niyang i-pressure ang sarili dahil sobrang hit ng una niyang single na Dahil Sa ‘Yo.

“Hindi ko na iniisip ‘yun, basta ako gusto kong i-promote ang OPM (original Pilipino music), and sobrang masaya ako na maraming OPM artists na so passionate na nagsusulat ng mga kanta nila, nakakatuwa talaga,” pahayag ni Iñigo.

-REGGEE BONOAN