WALANG duda na ang kasalukuyang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay resulta ng pagtaas ng presyo ng langis dahil ang Brent crude oil ay pumalo sa $85.03 kada bariles nitong Martes, na sinamahan pa ng dalawang porsiyentong excise tax sa langis dahil sa TRAIN law simula noong Enero ng kasalukuyang taon.
Ang kombinasyon na ito ang mga dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin. Posible rin na mayroong nagaganap na manipulasyon sa presyo sa ilang pamilihan. Ngunit ito ay dahil sa pandaigding presyo ng langis, na pinatindi ng bumababang halaga ng piso, idagdag pa ang TRAIN tax sa langis na wala naman noon, na naging sanhi ng pangamba ng bawat pamilya sa buong bansa.
Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mundo ay isinisisi sa maraming dahilan na wala sa ating kontrol. Isa na rito ang tumaas na demand sa langis sa panahon na pinutol ang supply ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at Russia. Ilan ang sinisi ang pag-atras ng United States sa Iran nuclear deal sa pagitan Western nations, na pumutol sa oil exports ng Iran. May pangamba na ang oil production ng Saudi Arabia ay bawasan ng Houthi rebels sa Yemen na puntirya ang oil rigs. Nanganganib ang traditional oil producers na Venezuela at Libya sa kanilang produksiyon at eksportasyon.
Bukod sa tumataas na presyo ng bilihin sa mundo, ang TRAIN— Tax Reform for Acceleration and Inclusion— ay nagsimulang mangolekta ng 2% excise tax sa mga inangkat na langis sa bansa nitong Enero at nagsimulang tumaas ang inflation rate sa 5.7% nitong Hulyo. Tumaas pa ito sa 6.4% nitong Agosto, at 6.7% nitong Setyembre. Ang mga ito ang nakikita ng mga maybahay sa tumataas na presyo ng mga bilihin.
Wala tayong magagawa sa pagtaas ng presyo ng langis sa mundo. Ngunit may magagawa tayo sa TRAIN tax na nagpalala sa matinding sitwasyon ng Pilipinas. Sa ilalim ng TRAIN law, maaaring ipatigil ang pagpapataw ng 2% excise tax sa langis kapag ang presyo ng langis sa mundo, partikular na ang Dubai export price, ay humigit sa $80 kada bariles sa loob ng tatlong buwan. Ito ay lumampas sa $80 ngayong buwan. Sa Enero 2019, ang tatlong buwan na tinukoy sa TRAIN law ay makukumpleto na.
Ipinag-utos ni Secretary Ernesto Pernia, hepe ng National Economic and Development Authority (NEDA), sa kapwa niya mga economic managers na mag-usap at magdesisyon. Kapag sinuspinde ng pamahalaan ang 2% excise tax sa langis, aniya, mawawala ang P49.4 bilyon sa koleksiyon.
Ipinanawagan naman ng opposition senators, kabilang si Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino, na suspendehin ang TRAIN tax. Handa ba ang administrasyon na isuko ang P49.4 bilyon at mapapatigil ang tax — sa pagkakaroon ng emergency law na ididiretso sa Kongreso — bago pa man makumpleto ang tatlong buwan? Ang malalaking desisyon na ito ay kinakailangang pag-usapan ng economic managers at ng matataas na opisyal sa pamumuno ni Pangulong Duterte.