Ilalarga ng Dance Sport Council of the Philippines (DSCPI) ang 22nd DSCPI National Dance Sport Championships sa Oktubre 13 sa Ballroom Hall ng Valle Verde Country Club, Pasig City next Saturday.
Ayon kay DSCPI President Becky Garcia, may kabuuang 270 Dance Sport athletes sa buong bansa ang sasabak sa torneo na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Flawless, Muebles Italiano, Like-FM 105.9, Studio AK, Ballare Event Studio at The Greenery Bulacan.
Darating sa bansa para maging hurado sina World DanceSport Federation licensed adjudicators John Alan Winter ng Denmark, Judit Sandor ng Hungary, Kazuaki Watanabe ng Japan, Joshua Low ng Singapore, Roger Hou ng Taiwan, Thu Trang Hoang ng Vietnam, Pietro Del Bello ng Hong Kong at George Tan ng Malaysia.
Mabibili ang tickets para sa 22nd DSCPI National Championships sa Dance Sport Training Center, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, gayundin sa mismonf araw ng laro sa Ballroom ng Valle Verde Country Club sa October 13.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-usap kina Anna at Lorien sa tel. Blg. 637-2314.