MATAPOS ang bronze medal finish sa nilahukan na Vinh Long TV Volleyball tournament sa Vietnam, nanatiling matikas ang BanKo Perlas sa pagbabalik-aksyon sa PVL Open Conference sa impresbong t25-20, 19-25, 25-22, 25-16 panalo kontra Adamson-Akari Lady Falcons nitong Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakabawi ang Perlas Spikers sa kabiguan sa second set matapos makipagsabayan at hindi bumitaw sa third set bago tuluyang inangkin ang panalo sa pangunguna ni Dzi Gervacio, umiskor ng apat na attacks sa 8-1 na pagtapos sa laro ng Perlas.

Tumapos ang 5-foot-7 winger na si Gervacio na may 24 puntos kasunod ang open hitter na si Amanda Villanueva na may 14 puntos. Muli namang namuno sa winless pa ring Lady Falcons si Bernadette Flora na may triple-double 20 puntos , 23 excellent receptions at 14 digs.

Nauna rito, pinadapa ng Ateneo-Motolite Lady Eagles ang Petro Gazz Angels ,25-21, 17-25, 19-25, 25-14, 15-7, para sa ikalawang dikit na panalo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I have to give credit to all my players. They worked really hard,” pahayag ni Ateneo head coach Oliver Almadro.

“Our opponents were stronger and more experienced. My players trusted our system and trusted each other and that was the key to staying strong and finishing the match.”

Tumapos na topscorer para sa Atenro ang 6-foot-2 Fil-Canadian winger na si Kat Tolentino na may 24 puntos mula sa 20 attacks, 3 blocks, at isang ace.

Nanguna naman sa Angels ang kanilang team captain na si Paneng Mercado na may 11 markers.

-Marivic Awitan