BINIRO si Andre Paras na mahal na mahal siya ng GMA Network dahil hindi siya nawawalan ng trabaho. Minsan nga, hindi pa tapos ang isang work, may kasunod na agad na proyekto para sa kanya.

Andre copy

“Kaya I’m very thankful sa GMA dahil hindi nila ako pinababayaan,” nakangiting sagot ni Andre sa mediacon ng bago niyang teleserye, ang dramedy na Pamilya Roces. “Katatapos nga po lamang namin ng talent search na ‘The Clash’ at heto magsisimula nang mapanood ang bago naming dramedy. Every Sunday din po mainstay ako ng noontime musical variety show na ‘Sunday PinaSaya’.

Pero may nilinaw muna kami kay Andre, ito ay ang tungkol sa hindi matapos-tapos na issue na magkaaway na naman daw sila ng nakababatang kapatid na si Kobe Paras. Bakit mayroon pang unfollow sa social media?

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Iyon pong unfollow sa social media, nagkamali lamang ako talaga ng pag-click sa name niya at na-unfollow ko siya. Pero itinuloy ko na dahil may private account naman kami ni Kobe, doon na lamang kami nag-uusap since lagi nga siyang nasa abroad for his studies and playing basketball. Pero ngayon, since hindi natitigil ang question, nag-follow na rin kami ulit ni Kobe, pero mas sa private account kami nag-uusap.”

Bakit hindi mamatay-matay ang issue na magkagalit sila ni Kobe?

“Tinatawanan na lamang po namin, hindi na pinapansin. Very close kami ni Kobe at never kaming nag-away. Yes, kung minsan nagtatampuhan pero after ilang minutes, wala na iyon. We love each other.”

Sa Pamilya Roces, hindi isang Roces si Andre, adopted son siya ni Snooky Serna na isang Austria, sister ni Natalie Roces na gagampanan ni Gloria Diaz.

“Since hindi po ako Roces, makaka-in love-an kami ni Pearl Renacia, si Jasmine Curtis Smith, na first child ni Ana Roces as Lily Renacia, kaya hindi rin siya Roces, stepsister niya si Amethyst Roces (Shaira Diaz) na anak nina Lily at Rodolfo Roces (Roi Vinzon).

“Thankful po ako na nakasama ko naman ngayon sina Ms. Gloria, Ms. (Elizabeth) Oropesa, si Jasmine, at muli akong na-handle ni Direk Joel Lamangan kaya po kabisado ko na ang pagtatrabaho niya. Kaya ready ako lagi pagdating sa set, ayaw ko siyang pahirapan. Salamat po sa isang masayang set tuwing nagti-taping kami.”

Bukas, October 8, ay mapapanood na ang Pamilya Roces, pagkatapos ng Onanay.

-Nora V. Calderon