BUKAS na ihahayag ang walong official entries na kasama sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), at gagawin ang announcement sa sa Club Filipino, sa pangunguna ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Jojo Garcia.

Bale apat na pelikula na lang ang aabangan ng lahat, dahil nauna nang inihayag ng MMDA ang unang apat na enrtu noong Hunyo.

Ang unang apat na inihayag na kasali sa MMFF 2018 ay ang Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya nina Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio, at Maymay Entrata, na ididirek ni Barry Gonzalez, handog ng Star Cinema at Viva Films.

Kalahok din ang Girl in the Orange Dress nina Jessy Mendiola, Jericho Rosales, at Ria Atayde, mula sa direksiyon ni Jay Abello,l produced ng Quantum at MJM Films.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sali rin ang Aurora ni Anne Curtis, sa direksiyon ni Yam Laranas, para sa Viva Films.

At ang Popoy En Jack: The Puliscredibles nina Vic Sotto, Coco Martin, at Maine Mendoza, na ididirek ni Michael Tuviera, produced ng MZet, APT, at CCM Productions.

May mga nakausap kaming movie producers at directors na umaasa silang mapipili sila pero kung hindi raw ay tiyak na mag-uunahan sila sa January playdate bilang opening salvo sa 2019.

Nabanggit din sa amin na karamihan sa mga nagsumite ay mula sa indie filmmakers.

-Reggee Bonoan