GENERAL SANTOS CITY – Libu-libong lokal at dayuhang turista, karamihan ay wildlife at bird enthusiasts, ang nakiisa sa unang Raptor Watch Festival sa coastal municipality ng Glan sa Sarangani kahapon.

Sinabi nitong huwebes ni Cornelio Ramirez, Jr., executive director ng Sarangani Environmental Conservation and Protection Center (ECPC), na handa na sila para sa event na isasagawa sa Raptor Hill, Barangay Rio del Pilar sa Glan.

Binuo ng provincial government ng Sarangani, sinabi niya na layunin ng festival na maiangat ang kamuwangan sa pag-alaga sa ecosystem.

Ang mga migratory birds of prey, na tinatawag ding raptors, ang nangungunang atraksiyon sa apat na barangay ng Glan tuwing Oktubre.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Bukod diyon, noong nakaraang taon din ay naitala ng ECPC personnel ang nasa 135,000 migratory birds sa Barangays Rio del Pilar, Laguimit, Cross at Batulaki, na parte ng Mount Latian complex ng probinsiya.

Kabilang sa mga nasilayan ay ang Chinese Sparrowhawks, Gray-faced Buzzards, Peregrine Falcons, at Western Osprey.

Ayon kay Ramirez, lumalabas sa kanilang pag-aaral na ang mga ibon ay nagmumula sa Japan at Taiwan, na umaabot sa Pagudpud, Ilocos Norte, at bahagi ng Visayas at Cape San Agustin sa Davao Oriental.

Aniya, ang Mount Latian area ay nagsisilbing “stopover” at “roosting site” ng migratory raptors, na kalaunan ay lumilipad sa mga isla ng Indonesia.

“These birds pass by our area twice a year, from September to October and March to April,” sinabi niya, idinagdag na regular na nililisan ng mga ibon ang Taiwan at Japan tuwing taglagas.

Bukod sa birdwatching, sinabi ni Martinez na ang festival participants ay makikiisa sa pagtatanim ng nasa 2,500 prutas at forest trees na tinawaga na “roosting sites” ng migratory birds.

Idinagdag niya na magsasagawa rin sila ng lectures hinggil sa mga gampanin ng migratory raptors sa ecosystems, lalo na sa natural pest control.

PNA