Nais ni Senator Sonny Angara na silipin ang napaulat na pagdami ng kaso ng mga nagpapakamatay na public school teachers sa bansa.

Sa kanyang Senate Resolution No. 914, hiniling ni Angara na maimbestigahan kung may kinalaman ang pagpapatiwakal ng mga guro sa dami ng kanilang trabaho.

Kailangan din aniyang malaman kung may sapat na kakayahan ang Department of Education (DepEd) upang matugunan ang mental problems ng mga guro.

“It also aims to come up with measures that would address the lack of qualified mental health professionals in the public education system” ani Angara.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Tinukoy ng senador ang kaso ng isang bagong guro sa La Paz, Leyte na nagbigti noong Hulyo, at ng guro na nagpakamatay din sa Bacoor, Cavite.

Natukoy sa mga kaibigan ng mga nagpakamatay na guro na ang sobrang trabaho ang dahilan ng pagkitil ng mga ito sa sariling buhay.

-Leonel M. Abasola