MAGIGING abala si WBC light flyweight champion Ken Shiro ng Japan dahil bukod sa kanyang depensa sa mapanganib na si ex-IBF light flyweight champion Milan Melindo ng Pilipinas, iniutos sa kanya ng WBC na harapin ang magwawagi kina No. 1 contender na Pilipinong si Jonathan Taconing at No. 2 na ex-IBF minimumweight champion Hiroto Kyoguchi ng Japan.

Haharapin ng walang talong si Shiro si Melindo sa Oktubre 7 sa Arena, Yokohama, Japan laban sa dating kampeong si Melindo ng ALA Boxing Gym sa Cebu City na ang tatlong talo ay pawang sa puntos sa mga kampeonatong pandaigdig.

Iniutos ng WBC kamakalawa na magsagupa sina Taconing na naipagtanggol ang kanyang WBC International light flyweight title sa kababayang si one-time world title challenger Vince Paras, at Kyoguchi na nagwagi naman kay world rated Indonesian Tino Monabesa via 4th round TKO nitong Setyembre 25 sa Korakuen Hall, Tokyo, Japan.

“WBC champ Ken Shiro is facing Milan Melindo this Sunday, October 7. Jonathan Taconing and Hiroto Kyoguchi have been ordered to face off in a final eliminator,” ayon sa ulat ng Fightnews.com sa ika-56 kumbensiyon ng samahan sa Kyiv, Ukraine kamakalawa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May rekord ang 31-anyos na si Taconing na 28-3-1 win-loss-draw na may 22 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Kyoguchi, isa sa mga hometown world boxing champion ng Japan, na may perpektong kartada na 11 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts pero hindi lumaban sa labas ng kanyang bansa.

-Gilbert Espeña