Tatangkain ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla na makabalik sa Senado matapos ideklara ng kanyang partido ang kahandaan nito sa 2019 elections.

Nakadetine si Revilla dahil sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Ayon kay dating Leyte First District Representative at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) president Atty. Martin Romualdez, napagpasyahan ng kanilang partido at ni Revilla na muli siyang pumalaot sa pulitika.

“I am pleased and honored to officially announce the candidacy for the Senate of Sen. Bong Revilla Jr., our party chairman,” sinabi ni Romualdez.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Leonel M. Abasola