CAMP DATU LIPUS MAKAPANDONG, Awa, New Leyte, Prosperidad, Agusan del Sur - Isang naaagnas na bangkay ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadiskubre ng militar sa bulubunduking lugar ng Carmen, Surigao del Sur, nitong Huwebes ng hapon.

Sa panayam kay Civil Military Operation (CMO) officer, Capt. Francisco Garello, Jr., ng 36th Infantry Battalion (IB), nagsasagawa ng focused military operations (FMO) ang mga tauhan ng 36th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) nang matagpuan nila ang naturang bangkay na pinaniniwalaang iniwan ng kanyang mga kasamahan sa Barangay Hinapuyan.

Katabi ng nabanggit na bangkay ang siyam na rolyo ng 40mm M203 Grenade ammunition, isang bandolier at isang pares ng rainboots.

"It was believed that the CNT left their comrade to suffer and die hanging in a cliff after scampering away from an encounter that transpired several weeks ago," sabi ni Garello, na ang tinutukoy ay ang naganap na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar nitong Setyembre 7, bandang 1:34 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi pa ng militar, hindi pinapangalagaan ng mga rebelde ang kanilang kasamahang nasugatan at pinababayaan na lamang ang mga ito na bawian ng buhay.

-Mike U. Crismundo