UMALIS kahapon ang Team “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim” nina Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, and Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, with the comedic duo of Donita Nose and Super Tekla.

Marian & Dingdong

Pero nauna nang umalis nitong Thursday sina Christian at Julie Anne for San Francisco, California para sa meet and greet with the fans doon, saka sila tutuloy sa Anaheim, Los Angeles, California to join the others para sa concert sa Sunday, October 7, sa The Grove Anaheim. Kasama rin nilang umalis si Direk Mark Reyes at ang choreographer na si Geleen Eugenio.

Kasamang umalis ni Marian ang asawang si Dingdong Dantes at ang manager niyang si Rams David. Magiging surprise guest kaya si Dingdong sa concert?

Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi

Bago umalis ay nagpa- interview muna si Marian sa “Chika Minute” ng 24 Oras, at nagkuwento siya ng ilang detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“Sobrang thankful ako sa asawa ko. Sabi niya bilang ganyan ang kalagayan mo, kailangang kasama mo ako, at kailangang i-guide talaga kita,” sabi ni Marian.

Two months on the family way na kasi si Marian sa second baby nila ni Dingdong.

Maingat si Marian, kaya kahit may dance showdown daw sila ni Ai Ai, walang mangyayaring hagisan sa ere. Simple steps lang ng Budots dance na ginagawa nila every Sunday sa Sunday PinaSaya, kaya safe lang si Yan Yan sa production number nila.

Ano kaya ang pinaglilihian ni Marian? “Kung noong nagbuntis ako kay Zia, gusto ko lang mapuputing candy, pero ngayon ang hinahanap ko maasim, tulad ng kamias. Basta maaasim gusto ko.”

Marami tuloy ang nagsasabi na kung mapili raw si Yan Yan ngayon ng kakainin niya, baka raw baby boy ang isisilang niya, gaya ng matagal nang hinihiling ni Zia na “baby brother”.

-NORA V. CALDERON