Hindi pa makumpirma ng Malacañang kung may iniindang malalang sakit si Pangulong Duterte, makaraang aminin nito na nagpunta ito sa ospital para sa follow-up examination nitong Miyerkules.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang ihayag ng Presidente na nanggaling siya sa Cardinal Santos Medical Center nitong Miyerkules dahil kailangan ng mga doktor ng sample dahil may nakita umanong posibilidad ng “growth” sa bituka niya.

“Endoscopy is what he underwent. And I think endoscopy was recommended from his own words, in the general staff command conference, because they wanted just to be sure that there was a growth, and they wanted to know more about the growth,” sabi ni Roque.

“Right now we don’t know [if it’s serious] because he went for a diagnostic exam,” ani Roque.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ni Roque na ang hinihinalang growth ay unang nadiskubre sa endoscopy at colonoscopy tatlong linggo na ang nakalipas.

“He had a general exam and after which I suppose from what he said in the command conference, they wanted a more specific exam zeroing in on something,” sabi ni Roque.

Sa pagbubulgar ni Duterte na dumaan siya sa karagdagang medical tests sa ospital, sinabi niyang ipaaalam niya sa publiko sakaling mayroon siyang malubhang sakit, tulad ng cancer.

“Ang kumakalat na tsismis ay kung anu-ano raw ang nangyari kay Presidente, hindi naman po ano. Malakas naman ang Presidente,” giit pa ni Roque.

Una nang itinanggi nina Roque at Special Assistant to the President Bong Go na naospital si Duterte, pero inamin ito ng huli nitong Huwebes ng gabi.

“I was about to have a… Cabinet meeting ‘yung yesterday, but ‘yung reading ng akin ano. Somebody advised my doctor just also to repeat and get some samples. So I stayed there for one hour sa Cardinal Santos,” ani Duterte.

“I don’t know where—where I’m now physically but I have to wait for that… But I would tell you that—if it’s cancer, it’s cancer. And if it’s third stage, no more treatment. I will not prolong my agony in this office or anywhere,” anang Pangulo.

-Argyll Cyrus B. Geducos