PAGKATAPOS maglabas ng joint press statement ang ABS-CBN, Star Cinema, at Direk Erik Matti na hindi na ang huli ang magdidirehe ng Darna movie, nag-post sa Instagram ang direktor ng kanyang saloobin sa ginawang pagre-resign sa pelikula.
“As it has been announced, I have officially resigned from the movie Darna. It’s been 5 years and how I wish I could have finished it after all the hard work that went into preparing and putting it together. Unfortunately, things didn’t work out ideally for both parties.
“Darna is personal to me. My first project in the industry was as continuity supervisor for Peque Gallaga’s Darna with Anjanette Abayari. And doing this modern reboot of the classic superhero, I feel that I have come full circle in this industry.
“I would like to thank my staff and crew who have toiled through the process bringing forth brilliant design and execution ideas as to how we can bring to life a uniquely modern take of our iconic Filipino superhero that can be relevant to the times.
“To Liza Soberano, thank you for the dedication and commitment. I’m sure you’ll be a kickass Darna.
“To Star Cinema, ABS-CBN, and the next director, I wish you all the best for this project.”
Nalungkot ang fans ni Liza na hindi na si Erik ang direktor ng Darna, dahil si Erik ang gusto nilang magdirek ng pelikula. May nanghinayang din dahil looking forward sila na ma-transform ni Direk Erik si Liza, gaya ng ginawa nito kay Anne Curtis sa Buy Bust.
May mga nagpasalamat din kay Direk Erik sa tiwala na makakaya ni Liza na gampanan ang papel ni Darna, bukod pa sa dati na nitong ipinagtanggol ang aktres sa mga bashers at walang tiwala rito.
Hintayin na lang natin dahil nabalitang ia-announce na sa mga susunod na araw ang bagong direktor ng Darna movie, kapalit ni Direk Erik.
-NITZ MIRALLES