KINAKAILANGANG magbaon ni El Joshua Cariño ng karagdagang lakas spara sa pagdepensa ng korona Le Tour de Filipinas na nakatakdang ipagdiwang ang kanilang ika-10 taon sa 2019 sa pamamagitan ng pagdaraos ng 5-stage race na may mas malaking bilang ng mga kalahok na binubuo ng 20 teams na may tig-5 riders.

Inaprubahan na ng International Cycling Union (UCI), ang world-governing body ng cycling, ang hiling ng LTdF organizer na Ube Media Inc. na magdaos ng 5-stage race para sa ika-10 taon ng event na humubog sa mga Filipino champions na sina Baler Ravina noong 2012 at Mark Galedo noong 2014.

Itinakda ng UCI ang 2019 LTdF at inihanay sa Asia Tour calendar sa darating na Pebrero 17 - 21, 2019.

Si Cariño, kumakatawan sa Standard Insurance-Philippine Navy, ay nakahanay ng mga 7-Eleven Roadbike Philippines riders na sina Ravina at Galedo sa LTdF honor roll matapos magwagi sa karera noong nakaraang taon na nagtapos sa Baguio City tagos sa Kennon Road.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Muling magbabalik ang LTdF sa Timog sa lalawigan ng Bicol para sa ika-10 nitong edisyon. Ang LTdF ang pumalit sa makasaysayang Philippine Tour na nagsimula bilang Manila-Vigan Race na kalaunan ay naging Tour of Luzon, Tour ng Pilipinas, Marlboro Tour, FedEx Express Tour of Calabarzon, Tour Pilipinas, Golden Tour at Padyak Pinoy.

-Marivic Awitan