NAHALAL na bagong Pangulo ng FIDE (International Chess Federation) si dating Russian Deputy Prime Minister Arkady Dvorkovich nitong Miyerkules sa ginanap na General Assembly sa Batumi, Georgia.

Nakakuha ng kabuuang 103 bot si Dvorkovich laban kay FIDE Vice-President Georgios Markropoulos ng Greece na nakakuha ng 78 boto.
Habang ang third candidate na si British Grandmaster Nigel Short ay umurong sa kanyang candidacy bago ganapin ang botohan at ibigay ang kanyang suporta kay Dvorkovich na member din ng Russian Chess Federation (RCF) Supervisory Board.
Ang iba pang member ng Presidential Ticket ni Dvorkovich na nagwagi rin ay sina Bachar Kouatly ng France bilang Deputy President, Sewa Enyonam Fumey ng Togo bilang General Secretary, Mahir Mammedov ng Azerbaijan bilang Vice President, Julio Granda Zuniga ng Peru bilang Vice President, at Zhu Chen ng Qatar bilang Treasurer.
Nagbigay naman ng pagbati si Russian President Vladimir Putin, sa pamamagitan ng kanyang Tagapagsalita na si Dmitry Peskov, sa pagkapanalo ni Dvorkovich.
“(Vladimir) Putin expressed hope that Dvorkovich’s election to this position will benefit chess and help clear chess of any attempts of politicization,” ayon sa mensahe ni Putin.