Nakauwi na sa bansa ang 126 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Abu Dhabi matapos kumuha ng amnesty program na alok ng United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa ulat, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City ang grupo ng OFW, pasado 9:00 ng umaga.

Sinabi ni Ambassador to the United Arab Emirates Hjayceelyn Quintana na ito na ang ikalimng mass repatriation na isinagawa ng Embahada ng Pilipinas sa ilalim ng 2018 UAE Immigration Amnesty Period.

-Bella Gamotea
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador