Aabot na sa 2,169 na pulis ang sinibak sa serbisyo habang nasa 5,000 ang pinarusahan bilang bahagi ng anti-scalawag campaign ng pulisya.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, nilinaw na kabilang sa mga sinibak at pinarusahan ang mga naaresto ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) mula pa noong Pebrero 2017.

“This is part of our internal cleansing and organizational discipline,” paliwanag ni Albayalde.

Kabilang, aniya, sa mga na-dismiss ay sangkot sa illegal drugs-related offenses, katulad ng pagpopositibo sa drug test hanggang sa pagiging protektor nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang ilan, aniya, ay dawit naman sa iba’t ibang criminal activities.

Bukod dito, sinuspinde rin ang aabot sa 4,133 iba pa habang nasa 436 pang pulis ang na-demote, ayon kay Albayalde.

Kabuuang 464 na pulis naman ang binigyan ng warning, 151 ang pinarusahan ng forfeiture of salary, at 78 ang pinatawan ng minor penality.

“As we have promised, this internal cleansing program will continue without let-up until we completely achieve our desire for a highly professional and disciplined police force that truly deserves the trust and support of the people,” pahayag nito.

Wala na aniyang rason upang masangkot ang mga ito sa illegal money-making activities dahil dinoble na ang suweldo ng mga ito.

-Aaron Recuenco