Nasa kabuuang P15,496,000 halaga ng shabu at party drugs na nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa mga bagahe sa magkahiwalay na warehouse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang itinurn-over sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), kahapon.

DROGA SA REBULTO Itinurn-over kahapon ni Customs Commissioner Isidro Lapeña (gitna) sa mga tauhan ng PDEA ang isang kilo ng shabu na nakuha sa frame ni Mama Mary, na nagmula sa Wanda, South Africa at naka-consign kay Joseph Manialac ng Angeles City, na nasamsam sa NAIA warehouse.  (ALI VICOY)

DROGA SA REBULTO Itinurn-over kahapon ni Customs Commissioner Isidro Lapeña (gitna) sa mga tauhan ng PDEA ang isang kilo ng shabu na nakuha sa frame ni Mama Mary, na nagmula sa Wanda, South Africa at naka-consign kay Joseph Manialac ng Angeles City, na nasamsam sa NAIA warehouse.
(ALI VICOY)

Sa ulat, nasa kabuuang P14 milyon halaga ng shabu at P1,496,000 party drugs ang nasamsam ng BoC sa mga warehouse sa naturang airport.

Ang 2,017.1 gramo ng shabu ay nakapaloob sa isang frame ni Mama Mary, na mula sa Africa habang ang 69,870 tablet ay nanggaling sa United States.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bukod dito, nakumpiska rin ang 48 oil ampules at 12 maliit na plastic container na naglalaman ng marmalade at marijuana, na nakalagay sa boxing glove, mula naman sa Pakistan.

Tinukoy ng BoC ang mga consignee ng mga ilegal na droga na mula sa Caloocan City, Angeles City at Batao, Ilocos Norte, habang ang consignee ng valium at mogadon ay buhat sa Cotabato City at ang marijuana ay sa Las Piñas City.

Ayon kay Port of NAIA collector Mimel Talusan, ang mga nasabat na droga ay tinangkang ipuslit sa pamamagitan ng packages sa magkahiwalay na warehouse.

-Bella Gamotea