Inatasan ng Office of the Ombudsman si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na ipaliwanag ang pagkakasangkot nito sa mga kontrobersiyal at viral na videos ng “Pepedederalismo” at panggagaya sa sign language.

Ipinadala ni Assistant Ombudsman Joselito Fangon ang nasabing liham kay Uson nitong Miyerkules, ang mismong araw na inihayag nito ang pagbibitiw sa puwesto.Sa nasabing liham, inatasan din si Uson na magsumite ng written explanation o magkomento tungkol sa sinasabing pagkakasangkot niya sa video “which made a mockery of deaf persons and persons with disabilities”.

Setyembre 20 nang maghain ang ilang kinatawan ng deaf community ng reklamo laban kay Uson at sa kapwa blogger na si Drew Olivar sa paglabag sa Magna Carta 9277 (Magna Carta for Disabled Persons), at sa pag-a-upload sa Facebook ng nasabing “Pepederalismo for Deaf People” video nitong Setyembre 14.

Sa video, si Olivar ang nagmuwestra ng mga kunwaring sign language na mistulang panggagaya sa mga pipi’t bingi, habang tumatawa at nagkokomento si Uson sa background.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This Office has likewise received reports of your alleged involvement in ‘lewd federalism jingle’ video purportedly as part of the government’s campaign for federalism information dissemination,” saad pa sa liham ng Ombudsman.

Binigyan si Uson ng 10 araw upang isumite sa Ombudsman ang kanyang written explanation.

Bukod sa paglabag sa Magna Carta for Disabled Persons, inaakusahan din sina Uson at Olivar ng paglabag sa Section 4(c) ng R.A. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials) at sa R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act).

-Czarina Nicole O. Ong