NAGLILIBOT ang mga youth leaders sa iba’t ibang paaralan sa Laoag City, upang isulong ang mga isyu hinggil sa mental health na nakaaapekto sa mga kabataan ngayon.

Ayon kay Patrick Ratuita ng Ilocos Norte Youth Development Office of the Ilocos Norte provincial government, tinalakay ng grupo ang tungkol sa bullying at teenage pregnancy.

Sa pinakabagong datos ng Provincial Health Office, isang 13-anyos ang nabuntis ng 15-anyos.

“There were also reports of bullying in schools, which is alarming,” sabi ni Ratuita.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sumailalim sa pagsasanay ang ilang mula sa youth development office ng probinsiya, na pinamunuan ng World Health Organization (WHO), upang sanayin ang mga estudyante.

Ngayong linggo, sinabi ni Ratuita na nagtakda sila ng information at education drive sa F. Camaquin School sa bayan ng Vintar town, Pandan Elementary School sa Sarrat, Saint Anne Academy sa Piddig, at Luzong School sa bayan ng Pagudpud.

Isang pag-aaral na may titulong “Young Adult Fertility and Sexuality,” na isinagawa ng University of the Philippines’ Population Institute and Demographic Research and Development Foundation, ay nagpapakita na isa sa bawat 10 babae, na nasa edad 15 hanggang 19, sa Ilocos region ay isa nang ina.

Nagsasagawa rin ang Provincial Health Office ng sariling pag-aaral upang silipin ang pag-aaral at tukuyin ang mga dahilan kung bakit ito nangyayari sa mga batang lalaki at babae sa probinsiya.

Base sa mga inisyal na ulat, pagbabago sa moral values, peer influence, at kakulangan ng patnubay ng magulang dahil sa out-migration ng mga Ilocano ang iniuugnay na mga dahilan sa maagang pagbubuntis.

PNA