SA kabila ng dagok na dumating sa kanyang buhay, pinipilit ni Kris Aquino na maging positibo siya upang makabangong muli sa pinagdaraanang problema.
Sa kanyang panibagong Instagram post nitong Miyerkules, inihayag ni Kris na inihahanda niya ang sarili sa pagbabalik-trabaho sa susunod na linggo, sa kabila ng kalbaryong pinagdadaanan niya dahil sa umano’y panloloko sa pera ng taong pinagkatiwalaan niya.
Sa parehong Instagram post, ipinakita ni Kris ang ilang litrato ng kanyang medical check-up sa Singapore, kung saan isang allergist-rheumatologist-immunologist ang sumuri sa kanya.
Pinayuhan daw siya ng doktor na tanggalin ang “emotional & intellectual stress”, dahil “80% of illness is worsened by what burdens us”.
“My doctor said to focus on life’s POSITIVES. I have the best sons a mother can ask God for. I have the enduring love of family & friends. And I have the 100% support of my endorsements & followers. I have our country’s best legal counsels to represent us.
“I look forward to slowly going back to work, honoring all my commitments with a 100% trustworthy team starting next week.”
Sabi pa ni Kris, one week bago lumabas ang test results ng “16 vials of blood” na kinuha sa kanya, pero so far ay positibo naman daw ang “initial prognosis” ng doktor.
“I promised transparency—I had 16 vials of blood drawn yesterday. 12 were drawn last week. Full results of my blood panel will take 1 week but my initial prognosis from the Singaporean allergist-rheumatologist-immunologist is encouraging. I have started the new medication he prescribed.”
Sa huli, nakiusap si Kris na huwag nang pangalanan ng netizens kung sino man ang hinihinala nilang nanloko sa kanya sa isyu ng pera. Mula kasi nang ihayag ni Kris ang umano’y panloloko ng taong namamahala sa kanyang production company at endorsement deals ay naglabasan na ang iba’t ibang espekulasyon kung sino ang hinihinalang may kagagawan nito.
“The comments section won’t be deactivated. I humbly request that you post no name nor accusations; I stand with FAIRLY upholding the rule of law, thus there is no need to make this a trial by publicity or one based on popular opinion—the TRUTH is already more than enough. #laban,” saad sa post ni Kris.
Kasama ni Kris na lumipad patungong Singapore ang pinagkakatiwalaan niyang make-up artist na si RB Chanco at hair stylist na si Jonathan Velasco.
Sa comments’ section ng kanyang post, sinagot ni Kris ang isang netizen na nagsasabing iwasan na niya ang social media upang huwag nang makadagdag sa stress ng actress/host/social media influencer.
“Hindi ko po sasayangin ang pag-iisip na biyaya ng Diyos. I had to reply to your suggestion (about not being on social media) because I don’t have the luxury of choosing only when it is easy & convenient to share my life w/ the public.
“I am not a private person. I am a public personality, a celebrity for more than 30 years—who was raised knowing, ‘to whom much is given much is expected in return...’”
May isa pang netizen na pinayuhan si Kris na hayaan na ang kung sinumang nanloko sa kanya dahil “pera lang ‘yan, hindi nadadala sa hukay ng kung sino man ang nanloko sa ‘yo”.
Pero iginiit ni Kris na hindi puwedeng isawalang-bahala na lang ang kanyang problema.
Sagot ni Kris: “Ma’am please do not mock a pain you have not felt.”
-ADOR V. SALUTA