Pito hanggang walong miyembro ng Gabinete ang magbibitiw sa puwesto para kumandidato sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na anim sa Gabinete ang kakandidato sa susunod na taon.

Pero ayon kay Andanar, naniniwala siyang marami pa sa mga opisyal ng pamahalaan ang kakandidato para sa mga lokal na posisyon sa mga lalawigan.

Hindi naman binanggit ng kalihim kung sinu-sino ang mga Cabinet member na kakandidato, pero tiniyak niyang kabilang sa mga ito si Roque, na aasintahin ang pagsesenador.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagamat napaulat na maraming kumukumbinse kay Roque para manatiling tagapagsalita ni Pangulong Duterte, kumalat ang mga balita na posibleng palitan siya ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago bilang presidential spokesperson.

Wala pa namang direktang kumpirmasyon si Roque sa sinasabing pagkandidato niya.

-Beth Camia