LIMA (AFP) - Sinabi ni Peru ex-president Alberto Fujimori mula sa kanyang higaan sa ospital nitong Huwebes na ang pagbabalik sa kulungan ay magiging ‘’death sentence,’’ isang araw matapos bawiin ng korte ang pardon para sa mga krimen laban sa sangkatauhan.

Ipinaabot ni Fujimori, 80, ang apela kay Peru President Martin Vizcarra at sa hudikatura ng bansa sa video na kinunan sa kanyang higaan.

‘’Please do not kill me. If I return to prison my heart will not support it. It is too weak to go through the same thing again. Don’t sentence me to death. I can give no more.’’

Ipinawalang-bisa ang korte nitong Miyerkules ang presidential pardon para kay Fujimori.
Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage