Ni BRIAN YALUNG
HINDI na mabilang ang tagumpay ng bowling sa international competition at target ng Philippine team sa 2018 Asian Para Games na madugtungan ng dominasyon ng Pinoy bowlers.
Nakatuon ang pansin ang Filipino keglers sa quadrennial meet na magsisimula sa Oktubre 8 sa Jakarta, Indonesia.
Iginiit ni coach Benshir Layoso na handa ang koponan at kumpiyansa siyang makapag-uuwi ang National’s ng gintong medalya.
“Mentally, they are prepared. And one thing na nakaganda is kumpleto tayo ngayon. We have the equipment. Kasi pag skills ka lang, wala kang equipment medyo tagilid ang laro. Right now, we’re really confident that we’ll win the gold,” pahayag ni ayoso sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online.
“Medyo mahirap magforecast. Unlike noong SEA Games medyo nasukat mo na yung kalaban. But more or less may idea na kami kasi nagkaroon na kami ng qualifying last July. Sila rin makakalaban namin this Asian Games,” aniya.
Kung may dapat bantayan ang Pinoy, sinabi ni Layoso na numero unong karibal ang Koreans.
“Sa bowling, sila pa rin ang mabigat. Unang-una, ibang klase yung training nila. And then yung support nung government sa mga atleta nila talagang todo buhos. Dun natin sila hindi masabayan.
Siguro, in a way, masasabayan natin at mapantayan natin sila.
Hiniling ni Layoso ang panalangin ng sambayanan para sa tagumpay ng delegasyon sa Para Games.
“Iniimbitahan ko po kayo na suportahan ang aming mga atleta through prayers. Sana po yung minimithi ng bawat isa na makapag deliver ng medal is ma-deliver natin this time.”