Tinukoy kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade Jr. ang 18 eskuwelahan kung saan nagre-recruit umano ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ng mga estudyante upang makibahagi sa “Oust Duterte” plot.

Sa panayam ng media, sinabi ni Parlade na kabilang sa mga eskuwelahang nabanggit ang University of the Philippines (UP) Diliman; UP Manila; Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa; Ateneo de Manila University (ADMU); De La Salle University (DLSU); University of Santo Tomas (UST); Adamson University.

May recruitment din umano ang CPP-NPA sa Far Eastern University (FEU); University of the East (UE) Recto at Caloocan,; Emilio Aguinaldo College (EAC); Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST); San Beda College; Lyceum University of Makati; University of Caloocan City; University of Manila; at Philippine Normal University (PNU).

Ayon pa kay Parlade, kasalukuyang may film showing tungkol sa lagim ng martial law sa ilang klase sa nasabing mga paaralan upang himukin ang mga estudyante na mag-aklas laban sa pamahalaan, habang pinalalabas na si Pangulong Duterte ang “bagong Marcos”.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Ang bago ngayon ini-incite nila ‘yung mga estudyante na umalsa dahil dito sa mga issues na EJK. Kaya nagpi-film showing sila para maalala nila ‘yung mga nangyari nung ML,” ani Parlade.

-Francis T. Wakefield