KAHIT busy sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, naglalaan pa rin ng sapat na panahon si Coco Martin para sa first movie project niya with Vic Sotto and Maine Mendoza, which is the Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jak Em Popoy: The Puliscredibles.
“Mabait sila, eh, actually. Sobra akong enjoy sa pag-shoot naming, kasi ang turingan dun sa APT, sa ginagawa namin kina Boss Vic (Del Rosario), kina Maine, pamilya sila talaga,” kuwento ni Coco.
“And natutuwa ako kasi hindi namin first time nagkatrabaho. Kasi inaalagaan nila ako. Kaya sabi ko sana hindi ito ‘yung una at huling pagkakataon na magkakasama-sama kami. Talagang naglu-look forward ako na makapagtrabaho kami ng maraming pelikula.”
Sabi pa ng aktor, hindi niya iniisip na ang MMFF ay competition between other movie stars but as a way to celebrate the local film industry.
“’Yung MMFF malapit na malapit na. Sa December 25 sana magtutulung-tulong lahat kami nina Vice Ganda, kami nila Kuya Echo (Jericho Rosales). Sabi ko nga it’s not about the competition kundi ‘yung mapaligaya natin ‘yung mga manonood, lalong-lalo na sa hirap na pinagdadaanan sa ating bansa. At least sa Pasko siguradong mapapaligaya natin sila at mapapatawa at para masulit din natin ‘yung perang inipon nila,” paliwanag ni Coco. After parting ways with Vice Ganda on the big screen, Coco said that there was no more issue with them doing separate projects for the MMFF.
“Wala, wala. Inamin ko naman nun, nung first time namin na hindi magkasama sa pelikula siyempre nagkaroon ng konting tampuhan, hindi kami nakapag-usap.
“Pero nakakatuwa merong isang gesture si Vice na one time tinext niya ako, nagkamustahan kami. Dahil siyempre, bilang magkaibigan ang tagal n’yong ‘di nag-uusap, ‘di nagkikita. Sobrang na-miss namin ang isa’t isa.
“Pero hindi na namin pinag-usapan ‘yung pelikula. This time iba. Siguro mas nagma-mature, mas iba na ‘yung pagtingin sa trabaho,” sabi pa ng Primetime King ng Dos.
-Ador V. Saluta