BALIK-TV si Mark Bautista at ang mas maganda pa, balik-musical siya dahil kasama siya sa performers ng bagong musical-variety show ng GMA-7, ang Studio 7, na magpa-pilot na sa Oktubre 14, mula 7:40 ng gabi hanggang 8:40 ng gabi sa GMA Sunday Grande time slot.

Mark copy

Big blessing para kay Mark ang pagdating ng show na ito, lalo’t nagbabalak na siyang umalis ng bansa.

“Pagkatapos ng musical na Apo, wala na akong gagawin at kailangan may gawin ako at kung sa States ako may gagawin, doon ako pupunta. Pero, biglang dumating ang blessing na ito, isinama ako ng GMA-7 sa Studio 7. Naisip ko, it’s not yet the right time for me to leave the country. Ang tagal ko na ring hindi lumabas sa TV, na-miss ko ang lumabas sa TV, kaya tinanggap ko agad ang offer,” kuwento ni Mark.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sobrang excited umano si Mark na gumawa ulit ng musical show lalo na at kasama niya rito sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose na nakasama rin niya sa S.O.P. Masaya rin siya to be working with the new singers na talents ng Kapuso Network.

Alam din ni Mark na silang tatlo ang magdadala ng show, pero hindi raw siya napi-pressure dahil nakagawa na naman sila ng musical show dati.

“Actually, more than the pressure, mas excited ako dahil nga bukod sa balik-musical show ang GMA-7, bago ang concept at sigurado akong magugustuhan ng viewers. Wala kaming kalabang show dahil panggabi ang time slot, so hindi kami mapi-pressure, mag-i-enjoy lang kami at we’ll do our very best na isang magandang show ang mapapanood ng Kapuso viewers. The show is for all of you,” sabi ni Mark.

Hiningan din si Mark ng reaksiyon sa isyung lilipat na si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa ABS-CBN at iiwan na ang GMA-7.

“Sorry, wala akong balita sa isyu na ‘yan. Wala akong balita. Kung totoong lilipat si Regine ang wish ko sa kanya at lahat ng artista ng GMA-7 na lilipat, kung saan sila masaya, gawin nila. Ako, galing din sa kabilang network at lumipat naman sa GMA-7. Kanya-kanyang desisyon ‘yan,” sagot ni Mark.

-Nitz Miralles