EXCITED ang napakaraming fans ni Kyline Alcantara na kasali ang 16 year-old artist sa Studio 7, ang bagong musical variety show ng GMA Network.

Kyline, Cassy at Mavy

Nang magkaroon ng press launch at i-post namin ang photo ni Kyline sa social media, agad umani ng 400 likes at umabot na sa 380 ang shares. Siya lang ang ipino-post naming ganito kalakas ang reaksiyon sa lahat ng mga artista, datihan man o baguhan

Walang duda na si Kyline ang newest sensational star, natiyempuhan niya ang bagong henerasyon ng fans na wala pang tinitingalang icon.Dumog ang fans niya sa kanyang live appearances sa iba’t ibang malls.

Cong TV malabo raw pumasok sa politika, sey ng misis

Bukod sa hiyawan at balyahan, may mga kontrobersiyal pang pang-ookray ng fans ng ibang artista.Big news sa Sunflowers, tawag sa fans ni Kyline, ang pagkakasali niya sa Studio 7 dahil regular na nilang mapapanood ang ginagawa nito sa mall shows minus balyahan at sigawan sa kani-kanilang salas.

Equally exciting din sa television industry ang bagong move ng GMA Network, ang pagbabalik ng musical variety program sa primetime Sunday.

Magugustuhan ng millennials ang interavtive format ng Studio 7. Magkakaroon sila ng activity sa social media at maglalabas din ng viral personalities.

Makakasama ni Kyline sa hatawan ng sayaw at kantahan sina Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Valdez, ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi na sina Mavy at Cassy, ang grand champion ng The Clash na si Golden Cañedo at sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose naman ang featured artists sa first two episodes.

Premiere telecast na ng Studio 7 sa October 14, 7:40-8:50 PM.

-DINDO M. BALARES