NAIULAT ng TV Patrol noong isang gabi ang tungkol sa pinakamalaking event ng taon, ang ABS-CBN Ball 2018 na dinaluhan ng halos 300 Kapamilya stars. Kung meron mang stand out ang kasuotan at talagang puring-puri ng netizens, may ilan ding celebrities ang nakatikim ng panlalait dahil hindi nagustuhan ng netizens ang kanilang outfit.

Nadine at James

Kung may best dressed, meron ding worst dressed nu’ng gabing ‘yun at kabilang sina Nadine Lustre at James Reid sa nabansagang worst dressed sa nasabing ball.

Ayon pa sa ulat, si Nadine ang number one worst dressed sa listahan ng online site na Fashionpulis.

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?

Depensa ni Nadine, “I had too much fun. Gusto ko lang mag-dress up and pumarty with all the other ABS-CBN artists.”

Hindi rin daw importante kung nagustuhan o hindi ng iba ang outfit nila.

“It really doesn’t matter. All that matters is that we went there to support the charity. Siyempre meron din naman may ayaw ng outfit, merong may gusto,” dagdag pa ni Nadine.

Ayon naman kay James: “We wanted to do something different. The concept came from Nadine. I just followed suit and I loved it.”

Sumuporta rin si Yassi Pressman sa JaDine, “Ang importante naman po ay kung sino po ‘yung pumunta, masaya sila sa sinuot nila. The purpose is ‘yung pag-give nga po.”

-ADOR SALUTA