GINAPI ng Diliman College Blue Dragons at Letran Knights ang mga karibal sa dominanteng pamamaraan nitong weekend sa 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament.

MATIKAS ang kampanya ng Diliman College dahil sa lakas ni Junior Aroga (12), nakababatang kapatid ni National University stalwart Alfred Aroga sa laro laban sa La Consolacion kamakailan sa Fr. Martin Cup.

MATIKAS ang kampanya ng Diliman College dahil sa lakas ni Junior Aroga (12), nakababatang kapatid ni National University stalwart Alfred Aroga sa laro laban sa La Consolacion kamakailan sa Fr. Martin Cup.

Pinangunahan nina Joseph Brutas at MJ Enriquez ang Diliman College Blue Dragons sa 95-77 panalo laban sa La Consolacion College-Manila Blue Royals sa St. Placid gymnasium sa loob ng San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Hataw si Brutas sa naiskor na 30 puntos, habang tumipa si Enriquez ng 23 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo ng Letran Knights sa Group B.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Kumubra naman sina Allen Mina at Jun Sullera ng 12 at 11 puntos para sandigan ang Knights sa 92-80 panalo kontra National University-A Bulldogs.

Sa 90-65 panalo kontra sa Arellano Universitysa nakalipas na linggo, tumipa si Brutas ng 17 puntos.

Nauna rito, pinataob ng University of Perpetual Help-Molino Altas ang San Sebastian Stags, 84-75,

Sa junior division, nagwagi ang Diliman Preparatory School Baby Blue Dragons sa Rich Golden School Montessori via workover para sa 3-1 karta.