SA pagdiriwang ng National Elderly Filipino Week, hiniling ng health advocacy group Anakalusugan kay Pangulong Rodrigo Duterte na katigan ang nakahaing resolusyon sa Kongreso na magpapababa sa age bracket para sa tatanggap ng P100,000 incentive sa ilalim ng Centenarians Act of 2016.

“Growing old is never a hindrance to leading productive lives. Lowering the age bracket will ensure that our beloved senior citizens receive the benefits as provided in the law while they still are strong and able to enjoy the cash incentive,” pahayag ng Anakalusugan.

“We appeal to President Rodrigo Duterte to consider certifying the amendment as a priority measure of his administration. This will be a meaningful gift to our senior citizens, who can still make a difference in society and contribute much to nation-building,” anila.

Target ng House Bill No. 7821 na amyendahan ang Centenarians Act of 2018. Batay sa proposed measure, ang nanogenarians o senior citizens na aabot sa 90 ay dapat nang tumanggap ng cash gift na P90,000 at ang nalalabing P10,000 ay ibibigay sa kanyang ika-100 kaarawan.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa record ng Kongreso nitong nakalipas taon, sa kabuuang 3,900 centenarians sa bansa, may 2,000 lamang ang nakatanggap ng biyaya, dahil karamihan ay halos nakaratay na sa banig ng karamdaman.

Sa kasalukuyang batas, ibibigay ang one-time P100,000 cash incentive sa bawat senior citizens na aabot sa edad na 100.