GALING sa paglalaro sa Gilas Pilipinas para sa dalawang international tournaments, nagbalik si Paul Lee sa koponan ng Magnolia na isang tunay na fighter.

Patunay dito ang kanyang ipinamalas na back-to back strong performances noong nakaraang linggo.

Nagtala ang tinaguriang “Angas ng Tondo” ng average na 25 punyos, 3.5 assists, 3.5 steals at 2.5 rebounds para tanghaling Cignal-PBA Press Corps Player of the Week noong Setyembre 24-30.

Pinamunuan ng 29-anyos na si Lee ang Magnolia kontra sa dati nyang koponang Rain or Shine sa 92-76 na panalo nitong Miyerkules.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Tumapos si Lee na may all-around numbers na 22 puntos, 7 assists, 4 steals at 2 rebounds kontra sa Elasto Painters.

Apat na araw matapos ito, ang dating PBA Rookie of the Year ang nagbuslo ng game-winning basket para sa Magnolia sa kanilang 109-108 pag-ungos kontra San Miguel Beer.

Pinangunahan ni Lee, naglaro sa nakaraang Jakarta Asian Games at FIBA World Cup Asian qualifiers noong nakaraang buwan ang Pambansang Manok sa itinala nyang 28 puntos, 3 rebounds at 3 steals na nagresulta sa pag-angat nila sa ikalawang puwesto kasalo ng Blackwater taglay ang parehas na markang 4-1, panalo-talo.

-Marivic Awitan