Naibalik na ang 93.4 na porsiyento ng supply ng kuryente sa mga lugar sa Northern Luzon na hinagupit ng bagyong ‘Ompong’, ayon sa Department of Energy (DoE).

Hindi na nangangapa sa dilim ang halos 2.2 milyong bahay nang maibalik ang linya ng kuryente, at gumagana na ang lahat ng transmission line na nasira nang malakas na hangin dulot ng naturang bagyo.

Sa datos ng DoE, nasa 22 electric cooperatives ang naapektuhan ng bagyong Ompong habang 12 kooperatiba na lamang ang sumasailalim rehabilitasyon sa apat na rehiyon.

Isa umano sa mga naging problema ng DoE ang access sa lugar dahil nagkalat ang mga debris sa daan bunsod ng kaliwa’t kanang landslide habang bulubundukin at binaha ang iba pa.Ayon sa DoE, umiiral pa rin ang price freeze sa cooking gas o liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng calamity kabilang ang Regions 1, 2, 3, at Cordillera.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala balik-operasyon na rin ang 21 liquid fuel retail outlets na naapektuhan ng bagyo.

-Bella Gamotea