Pambubugbog ang sanhi ng pagkamatay ng isang Pilipina sa Sweden.

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binugbog hanggang sa napatay ng Swedish actor-director na si Steve Abou Bakr Aalam, 50-anyos, ang misis nitong Pinay na si Mailyn Conde Sinambong, 28, sa kanilang bahay sa Kista, sa hilagang-kanluran ng Stockholm, noong Setyembre 23. May dalawang anak na lalaki ang mag-asawa na nasa edad 10 at 4-anyos.

Nasa kustodiya ng Swedish authorities si Aalam at kakasuhan ng murder.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI