Boxing referee icon Bruce McTavish, 3 iba pa binigyan ng Filipino citizenship

KUNG noo’y pusong Pinoy lamang ang ibinibida ni American referee icon Bruce McTavish, hindi na ngayon.

MCTAVISH: Ganap nang isang Pinoy.

MCTAVISH: Ganap nang isang Pinoy.

Maibibida na ng 77-anyos na si McTavish ang pagiging isang tunay na Pinoy sa puso at sa katauhan matapos siyang pagkalooban ng Filipino Citizenship sa pamamagitan ng Senate resolution.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod kay McTavish, tunay na Filipino na rin sina Hong Kong jeweler, Kwok-Hing Carlos Yeung, American newsprint heiress Mayleen Ting at Spanish high school principal Fr. Julian C. Mazana.

Napantanyag si McTavish sa malalaking world title fight na hinawakan, kabilang ang mga hindi malilimot na kampanya ni Filipino eight-division world champion Senator Manny Pacquiao.

Kinilala ang kahusayan ni McTavish ng World Boxing Council kung saan tinanghal siyang Referee of the Year sa tatlong pagkakataon noong 2012. 2015 at 2016.

Dumating sa bansa si McTavish noong 1967 at naging field office manager ng isang American automobile manufacturer kung saan din nahasa ang kanyang hilig sa boxing. Ikinasal siya sa Pilipina na si Carmen tayag ng Pampanga.

“He is also a well-known philanthropist. He was a member of the Rotary Club in the Philippines. From 1983 to 1984, McTavish served as president of the Rotary Club of Mabalacat in Pampanga. During his term, he introduced the Polio Plus Project, the pilot program that became the basis of Rotary International efforts to eradicate polio worldwide. McTavish is currently involved with the Bahay Bata Foundation,in Angeles Pampanga, a project of Rotary Club of Clark Centennial.” Pahayag sa resolusyon ni ni Senador Richard Gordon.

Nagbigay ayuda sa resolusyon ni Gordon si Senator Pacquiao na itinuturing isang kaibigan si Mctavish.

Taong 1978 naman nanirahan sa bansa si Yeung, at nanirahan sa Cebu kung saan nagbigay ng libo-libong trabaho sa mga residente.

Si Ting, naman ay mula Portland Oregon, at nanirahan sa bansa nooong 1978 at itinatag naman ng kanyang mga magulang na sina Elon Ting at Sylvia S. Y. Chen, ang Trust International Paper Company (TIPCO) sa Mabalacat, Pampanga.

Si Fr.Julian, isang Augustinian na Pari ay dumating sa bansa nitong 1990 at nagtrabaho sa Colegio San Agustin.

-LEONEL M. ABASOLA