PATULOY ang pananalasa ng Davao Occidental -Cocolife Tigers sa south division ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Nilapa ng Tigers ang Caloocan Supremos sa homecourt ng huli ,82-62 nitong nakaraang weekend upang iposte ang ikapitong panalo sa Datu Cup ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.
Agad na nagpasiklab ang koponan mula Mindanao na pag-aari ni Darlene Custodio ng Davao Occidental LGU sa ayuda nina Cocolife President Elmo Nobleza, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan sa unang bugso ng laban sa malupit na opensa ni ex-pro Leo Najorda tampok ang tatlong sunod na tIra nito ng tres na humudyat ng distansiya sa inaasahang mahigpitan sanang bakbakan sa Caloocan.
Uminit din ang offensive thrust nina PBA veterans Bonbon Custodio at Mark Yee pati na si Billy Robles at Eman Calo kung saan ay itinala ng Tigers ang double digit na kalamangan sa third period at di na lumingon pa tungo sa one-sided victory para sa 7-3 standing ng koponan sa tomon nina managers Bong Baribar ,Ray Alao at head coach Don Dulay na bumubuntot sa nagungunang Muntinlupa Cagers na wala pang talo sa tropang timog 8-0).
Sina Supremos Rena Pacquiao, Jessmar Villahermosa ,at Joseph Nalos ang nanindigan para losing cause ng Caloocan.
Bagama’t di naduplika ni Yee ang rcoerd 24 rewbounds nito sa liga ay kumana naman ng kanyang career high na 29 puntos at 11 sa board upang tanghalin siyang game’s best player .