ANG kaso ni Trillanes ay isang legal na isyu na patungong Korte Suprema.
Kinukuwestiyon ngayon ang presidential amnesty na ipinagkaloob ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa 95 military officers na nahaharap sa kasong rebelyon at coup d’etat dahil sa pagkakaloob nito kay Sen. Antonio Trillanes IV, dahil hindi naman ito nag-apply ng amnesty.
Bumuo ng sertipikasyon ang prosekusyon mula sa Judge Advocate General’s Office of the Armed Forces of the Philippines, na nagsasabing si Trillanes ay pinagkalooban ng amnestiya noong Enero 21, 2011, ngunit “there is no copy” ng kanyang aplikasyon para sa amnestiya. Ito ay lumalabas na tinanggap ng Makati court bilang suporta sa ipinaglalaban ng prosekusyon na hindi nag-apply ng amnestiy si Trillanes at, kaya, walang bisa ang kanyang amnesty. Dahil dito, nag-isyu ang korte ng warrant of arrest para sa orihinal na kasong rebelyon at coup d’etat.
Mayroong fundamental principle of presumption of innocence sa Pilipinas, Amerika, at iba pang bansa, at sa Universal Declaration of Human Rights. Ito ay nasa Article III, Bill of Rights, ng Philippine Constitution, na nagkaloob: “Section 14. (1) No person shall be made to answer for a criminal offense without due process of law. (2) In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved….”
Sa Trillanes case sa Makati court, sinertipikahan ng Judge Advocate General’s Office na si Trillanes ay pinagkalooban ng amnesty ngunit “there is no copy” ng aplikasyon ng senador para sa amnesty. “Since Senator Trillanes wants to establish a legal right on the amnesty granted to him, he has therefore the burden of providing his compliance with the minimum requirements to entitle him to be granted amnesty,” ayon sa korte. Ipinag-utos kay Trillanes na patunayan niyang siya ay inosente sa akusasyong hindi siya nagkaloob ng legal requirements para sa kanyang amnesty.
Sa pagpapawalang bisa sa kanyang amnesty, nahaharap si Trillanes sa paglilitis sa iba pang korte sa kasong coup d’etat laban sa kanya kaugnay ng Oakwood mutiny. Ang coup d’etat ay non-bailable.
Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Korte Suprema pagdesisyunan ang Proclamation 572 ni Pangulong Duterte, na nagpapawalang bisa sa amnesty ni Trillanes. “It is the High Court that must decide on Trillanes’ case and provide stability in the country’s legal system,” aniya.
Bukod sa mga isyu sa pulitika, mahalaga na maayos ang mga legal na katanungan, sa simula sa proklamasyon ni Pangulong Duterte, ang principle of presumption of innocence, at ngayon ay ang paglilitis sa coup d’etat case na ibinasura pitong taon na ang nakalilipas dahil sa amnesty ni dating Pangulong Aquino. Magdudulot ba ito ng dobleng kapahamakan? Isa itong panibagong isyu na dapat pagdesisyunan ng Korte Suprema.