HABANG nagpapagamot si Kris Aquino sa isang ospital sa Singapore ay nagbigay siya ng update sa estado ng kanyang kalusugan.

Kris copy

Kamakailan lang ay sumailalim si Kris sa medical tests sa Singapore dahil sa pagbagsak ng kanyang timbang at iba pang health concerns dulot ng kinakaharap niyang problema. Niloko raw kasi si Kris ng taong pinagkatiwalaan niyang patakbuhin ang kanyang production company at pangasiwaan ang kanyang endorsement deals. Milyun-milyon pisong investment at assets niya ang nakompromiso dahil dito.

Sa kanyang Instagram account nitong Lunes ng gabi, ipinaalam ni Kris sa kanyang followers ang kalagayan niya ngayon.

Chariz, Betong may ibinuking tungkol sa ugali ni Michael V.

Ayon kay Kris, ang medical tests na ginawa sa kanya noong nakaraang linggo sa Pilipinas “had results no longer as good as those from San Francisco in March 2018.”

Kinausap daw niya ang bunsong si Bimby para ipaunawa rito ang kanyang kalagayan.

“My 11 year old needed the assurance that his mama would fight bravely because my tests start tomorrow [October 2].”

At ang magandang balita, negatibo raw sa tumor si Kris.

“Let me be categorical: all tests for any tumor markers were negative. Because of my very evident weight loss i had tests done to specifically answer that fear.”

Gaya ng sinabi ni ng legal counsel niyang si Atty. Sigfrid Fortun, ipatitingin daw ni Kris ang problema niya hypertension, severe allergies, at migraine.

“But we flew to Singapore to see one specialist for 3 areas of my health that needed to be immediately addressed with appropriate treatment for me to have the best chance to regain my health.”

Inspirasyon daw ni Kris ang inang si dating Pangulong Corazon Aquino, na noong nabubuhay pa ay patuloy na lumaban para sa kanyang mga anak, sa kabila ng pagkakaroon ng terminal cancer.

“I am my mother’s daughter because i strive to be the mother i had growing up—someone who LOVED & fought for her children unconditionally”

Sa pagtatapos ng kanyang post, may pakiusap si Kris sa kanyang followers.

“I don’t dare ask you to pray for me—I now completely surrender to God’s merciful care. Pero kakapalan ko po ang mukha ko at makikiusap: please PRAY for my 2 sons, Josh and Bimb.

“Kahit sinong magulang maiintindihan po ako, gagawin natin ang lahat ‘wag lang masaktan, maagrabyado, o mahirapan ang mga pinakamamahal nating anak. Isasakripisyo natin ang lahat masiguradong okay sila. That’s what happens when you become a parent, you wholeheartedly surrender being number 1.”

-ADOR V. SALUTA