PINAKAPABORITO at number one show pa rin nitong buong Setyembre sa buong Pilipinas ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Jessica

Matagal nang hindi natitinag ang programa ng widely admired veteran broadcast journalist na si Jessica Soho, na nagtatampok ng human interest features.

Isa ang KMJS sa pinakamaraming followers sa Facebook, mahigit 9.1M kaya agad ding nagba-viral sa social media ang kanyang mga istorya at ulat.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipinagpapatuloy ni Jessica ang tradisyon sa GMA Network na news and public affairs programs ang poste kumpara sa ABS-CBN, na entertainment shows naman ang strength.Ayon sa ratings data nitong nakaraang buwan mula sa Nielsen TV Audience Measurement, nangunguna pa rin ang KMJS at ganoon din ang GMA-7 sa nationwide TV ratings.Batay sa overnight data na nakalap simula September 23 hanggang 30, 41.1 percent average ang kinabig na total day people audience share sa National sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) samantalang 37.1 percent naman ang nakuha ng ABS-CBN.Mas marami ang manonood na nakatutok sa Kapuso Network simula umaga hanggang gabi kaya mas maraming Kapuso shows ang nakasali sa listahan ng top-rating programs ng NUTAM.

Nasa tuktok pa rin ng listahan ng paboritong panoorin ang KMJS, pumangalawa ang The Clash na inabangan ang grand finals nitong nakaraang Linggo. Sumunod ang 24 Oras, Pepito Manaloto, Daig Kayo ng Lola Ko, Magpakailanman, Onanay, Victor Magtanggol, at Amazing Earth.

Kabilang din sa top favorite shows ang Inday Will Always Love You, Wowowin, 24 Oras Weekend, Imbestigador, Contessa, Eat Bulaga, Kapuso Movie Night, at Tadhana.Ayon pa rin sa figures mula sa Nielsen, nananatiling malakas ang viewership sa Kapuso Network sa Urban Luzon at Mega Manila, na bumubuo sa 72 at 59 percent ng kabuuang urban televiewers sa Pilipinas.Namamayagpag ang GMA sa Urban Luzon sa naitalang 46.7 percent average total day people audience share kumpara sa 30.8 percent ng ABS-CBN.Sa Mega Manila (batay sa official data mula Setyembre 1 hanggang 22), nagtala ng 48.6 percent average total day people audience share ang Kapuso Network na malayo sa 27.9 percent ng ABS-CBN. Umabot sa 21 Kapuso shows ang pumasok sa listahan ng top 30 programs sa Urban Luzon at 24 spots naman ang nakuha ng GMA sa Mega Manila.

-DINDO M. BALARES