SUSULONG ang pinaka-aabangan na 2nd Dr. Marlonsky Youth Chess Cup Tournament sa Oktubre 7, 2018 na gaganapin sa Dr. Marlonsky Chess Center, Catalya Compound, Prk 5A, tapat ng Orchard Lane Homes (about minute walk from Buda National Highway); Km 20, Bgy. Los Amigos, Tugbok District sa Davao City.

Ang one-day event ay bukas sa lahat ng manlalaro na ang edad ay 19 years old and below kung saan nakalaan sa magkakampeon ang P3,000, maibubulsa ng second placer ang P2,000 at maiuuwi naman ng third placer ang P1,000.

May cash prizes na tig P300 ang mapapanalunan naman ng fourth hanggang eight finishers. May special awards para s best players para sa category winners sa top female, top Under 14 at top under 8.

Ang tournament registration fee ay P200.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Suportado ng Mindanao Chessmastes at ng Knights of the Square Table, ang two division youth chess tournament (19 years old and below, 11 years old and below) ay ipapatupad ang time control format 15 minutes plus three seconds increment sa National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament na pangangasiwaan naman nina NA Cecilio “Ely”Acas, FNA Joseph “Jojo” Palermo at NA Alfred Moulic.

Sa mga nagnanais na lumahok, makipag-ugnayan kina kina Dr. Marlon Lepiten Sayson Jr. (0917-801-9982) NA Cecilio “Ely”Acas (0942-494-8672), FNA Joseph Gener “Jojo” Palermo (0946-406-7722) at NA Alfred Moulic (0906-790-0514) para sa dagdag detalye.