HANDANG-HANDA na si Filipino one-time world title challnger Jason Canoy na kumasa kay ex-WBC bantamweight champion Luis Nery sa 12-rounds na sagupaan para sa bakanteng WBC Silver bantamweight title sa Oktubre 6 sa Gasmart Stadium sa Tijuana, Mexico.

Kasabay ng laban ni Canoy, itataya naman ni WBC No. 1, WBO No. 1 at IBF No. 7 featherweight Mark Magsayo ang kanyang world rankings sa hindi pa kinilalang Mexican boxer sa Big Punch Arena, Tijuana, Baja California, Mexico.

Malaking pagkakataon para kay Canoy na makaharap si Nery na natanggalan ng korona nang mag-overweight sa kanyang depensa sa dating kampeong si Shinsuke Yamanaka na pinatulog nito sa 2nd round nitong Marso 1, 2018 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Natalo si Canoy sa kanyang paghamon kay WBF bantamweight champion kay Mzuvukile Magwaca sa 12-round split decision noong Marso 31, 2017 sa Oliver Tambo Sport Centre, Khayelitsha, Cape Town, Wester Cape sa South Africa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Canoy na 27-8-2 win-loss-draw na may 19 pagwawagi sa knockouts samantalang may perpektong rekord si Nery na 26 panalo, 20 sa pamamagitan ng knockouts.

Inaasahan namang magwawagi si Magsayo matapos ang halos isang taong hindi pagsampa sa ring sanhi ng managerial problem sa ALA Gym at itataya niya ang kanyang malinis na rekord na 18 panalo, 13 sa pamamagitan ng knockouts.

-Gilbert Espeña