Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2:00 n.h. -- La Salle vs UST

4:00 n.h. -- NU vs FEU

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Standings W L

AdU 5 0

Ateneo 4 1

FEU 2 2

DLSU 2 2

UP 2 3

NU 1 3

UST 1 3

UE 1 4

MAGAGANAP ang pinakahihintay na muling paghaharap ni coach Aldin Ayo at ng kanyang dating koponang De La Salle University na hawak na ngayon ng kanyang dating assistant coach na si Louie Gonzales sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

KAKAILANGANIN ng La Salle ang malupit na depensa para mapigil ang University of Santo Tomas Tigers, na ginagabayan ngayon ng dati nilang mentor na si Aldin Ayo. (RIO DELUVIO)

KAKAILANGANIN ng La Salle ang malupit na depensa para mapigil ang University of Santo Tomas Tigers, na ginagabayan ngayon ng dati nilang mentor na si Aldin Ayo. (RIO DELUVIO)

Nakatakdang magtuos sa unang laro ngayong 2:00 ng hapon ang Green Archers at ang bagong koponan ni Ayo na University of Santo Tomas Tigers na susundan ng salpukan ng season host National University at Far Eastern University ganap na 4:00 ng hapon.

Para kay Ayo, sisikaping gabayan ang Tigers sa tangka nitong pagbangon mula sa natamong back-to-back losses sa kamay ng league leader Adamson at defending champion Ateneo, walang ipinagkaiba sa iba pa nilang laro ang magiging laban nila ng Green Archers.

“It’s just a regular game,” pahayag ni Ayo.

Para naman kay Gonzales, naniniwala siyang magiging propesyunal ang kanilang tapatan ni Ayo na hindi lamang isang kaibigan kundi kumpareng sarado rin.

At para kay Gonzales, magkakatalo lamang sila pagdating sa gagawin nilang adjustments.

“Doon mo makikita kung paano kami as coaches. Pareho kami, alam na alam namin yung ginagawa naming bawat isa. This all boils down kung paano yung adjustments,” wika ni Gonzales.

“It’s gonna be a game of adjustments.”

Parehasma may barahang 2-2, at tabla sa ikatlong puwesto ang La Salle at FEU habang magkasalo naman ikalimang puwesto ang mga katunggali nilang UST at NU na may tig-isang panalo at tig-tatlong talo.

Samantala, tatangkain ng Tamaraws na bumangon mula sa malaking kabiguang nalasap sa kamay ng University of the East Red Warriors sa pagtutuos nila ng Bulldogs na magkukumahog namang makaahon mula sa kinahulugang tatlong dikit na kabiguan.

-Marivic Awitan